top of page

REGISTERED Solo Parent - 10% Discount and VAT Exemption!

Updated: Mar 31



Bago makuha ang benefits, kailangan maipakita na kulang ang kinikita at mag-isang nagsusuporta sa bata. Ang solo parent ay kukuha ng Solo Parent Identification Card sa Solo Parent Office (SPO) o Solo Parent Division (SPD) sa inyong LGU. Mas mabuti rin na itanong ang requirements at benefits para sa inyong lungsod dahil nakaayon din ito sa budget ng LGU.


Para sa 10% discount at VAT Exemption, ayon sa BIR, kailangang ang anak ng solo parent ay nasa edad 6 pababa at hindi lalagpas ng 250,000 pesos ang kinikita sa bawat taon. Makakapagbigay sila ng sapat na tulong para sa gatas, pagkain, diapers, gamot, bakuna, at iba pang kailangan pangkalusugan. Para makuha ang discount, kailangan may Solo Parent ID at yung booklet na kasama nito para maipakita na may karapatan ka sa discount at VAT exemptions.


Ang impormasyon na ito ay galing sa TikTok video ni KC Rosario na maaaring mapanood rito.

Comentários


bottom of page