top of page

Mga Kailangang Dokumento Para Maging REGISTERED Solo Parent!

Updated: Mar 31

Si Bernadette Herrera ay isang Deputy Minority Leader sa Philippine House of Representatives (Kamara), gumawa siya ng isang TikTok video para italakay lahat ng kailangang dokumento para mag-register bilang Solo Parent.

Ang mga dokumentong ito ay kailangang ipasa sa mga Social Services Department ng inyong LGU para kayo ay kilalanin bilang Solo Parent.


  1. Birth Certificate ng inyong mga anak.

  2. Sinumpaang Salaysay ng Solo Parent na siya ay nag-iisang nagtataguyod sa anak at wala siyang kinakasama o co-parent.

  3. Sinumpaang salaysay ng Barangay Official na nagpapatunay ng aplikante ay residente ng Barangay na may six months (anim na buwan) na at mga anak ay nasa kanyang pangangalaga at suporta.

  4. Karagdagang dokumento para sa mga sumusunod:

    1. Kung ikaw ay biktima ng Rape: Kailangan mo ng sinumpaang salaysay ng reklamo at medical record ng insidenteng ito

    2. Kung ikaw ay namatayan ng asawa: Kailangan ng marriage certificate at death certificate ng inyong asawa

    3. Kung ang inyong asawa ay nakakulong: Kailangan ng marriage certificate at katibayan ng pagkakulong mula sa ahensya na may hawak sa inyong asawa

    4. Kung ang asawa ninyo ay may physical o mental disability: Kailangang i-submit ang marriage certificate o sinumpaang salaysay na nagpapatunay ng pagsasama , medical records, medical abstract o katibayan ng pagkakalagay sa national center for mental health o anumang pagamutan dahil sa kanyang disability. Ang mga records ay kailangang nakuha ng hindi hihigit sa tatlong buwan bago sa pag-apply ng Solo Parent ID. Maaari rin maging katibayan ang PWD ID ng inyong asawa

    5. Legal o de Facto na paghihiwalay: Kailangan ipasa ang marriage certificate at ang utos ng hukuman na legal na kayong hiwalay o annulment papers or divorce papers. Kung de facto separayed kailangan ng sinumpaang salaysay ng dalawang taong walang interes sa usaping ito na nagpapatunay na kayo ay totoong hiwalay na ng inyong asawa. Kung ikaw ay annulled o divorced, kailangan ng marriage certificate na may tatak na walang bisa ang kasal o utos ng hukuman ng pagwawalang-bisa ng kasal o pagkilala ng hukuman sa foreign divorce.

    6. Kung ikaw ay inabandona: Kailangan ng marriage certificate o sinumpaang salaysay ng dalawang taong walang interes sa usaping ito na magpapatunay na ikaw ay inabandona t pulis o barangay record na nagpapatunay na ikaw ay inabandona.

    7. Asawa o kamag-anak ng low o semi-skilled OFW: Kailangang magsumite ng additional requirement na marriage certificate o kahit anong katibayan na nagpapatunay ng inyong relasyon, kontrata ng OFW galing sa POEA o kaparehong dokumento, kopya ng passport ng OFW na nagpapakita na isang taon na siya abroad. Katibayan na hindi lalagpas sa 250,000 pesos ang sweldo ng solo parent applicant.

    8. Nanay o Tatay na hindi kinasal na nangangalaga ng anak: Kailangan ng CENOMAR o Certificate of No Marriage

    9. Kung ikaw ay Legal Guardian, adoptive o foster parent na may dokumento galing sa tamang ahensya ng gobyerno: Kailangan ng katibayan ng guardianship, adoption, o foster parent na galing sa tamang ahensya.

    10. Kamag-anak na nasa 4th civil degree of cosanguinity o affinity: Kailangan ng katibayan ng pagkamatay, pag-abandona, o pagkawala ng matagal na panahon ng mga magulang ng batang inaalagan. Pati na rin katibayan ng pagiging kamag-anak ng solo parent applicant.

    11. Buntis na babae: Kailangan ng medical records na nagpapatunay ng iyong pagkabuntis.


Maaaring mapanood ang TikTok video rito

Comments


bottom of page