Did YOU Know? May Discount na ang Solo Parents sa Quezon City!
- ina, alagaan PH
- Feb 28
- 1 min read
Updated: Mar 11
Bukod pa sa mga Government benefit na kasama sa pagiging registered solo parents na may identification card, kapag taga Quezon City ka ipinatupad ng City Council na bigyan ang mga may Solo Parent ID ng twenty percent (20%) discount sa total bill ng solo parent kapag kumain sila sa mga restaurant at iba pang eating establishments na naka-register sa Quezon city.
Mga importanted tandaan:
May discount lamang tuwing una at huling linggo (Sunday) ng bawat buwan.
Kailangang registered solo parent ka at may valid na Solo Parent ID na na-issue ng Quezon City Social Services Development Department (QCSSDD).
Bukod sa pagiging registered, kailangan ang kinikita ng registered solo parent ay below poverty threshold na inilaan ng National Economic and Development Authority (NEDA) at na-assess ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Quezon City Social Services Development Department (QCSSDD)
Epektibo lamang ang discount kapag kasama ng registered solo parent kumain ang kanilang naregister na bilang ng anak.
Hindi mag-aapply ang discount kapag lumagpas ang total bill ng 2000 pesos sa isang restaurant. Kasama rin dito ang accumulated receipts o naipong resibo sa isang restaurant na kinainan ng araw na iyon.
Maaaring mabasa ang kumpletong ordinansa rito: An Ordinance Mandating Restaurant Establishments to Grant Twenty Percent (20%) Discount
Comments