
Clinics

Likhaan Health Center for Women
NGO
Branches: Cavite, Bulacan, Eastern Samar, Malabon, Manila Tondo, Manila San Andres, Manila Port Area, Manila Youth Clinic (KAI), Pasay, Quezon City
​
May services sila gaya ng Family Planning, FP Counseling, Implant, FLS at Emergency Medicines for Sexual Violence, FP-RH Outreach Clinics, FP-RH Teleconsultation, Referrals at iba pa para sa Reproductive Health. Ang Likhaan ay kilala bilang sa kanilang mga libreng programa at serbisyo para sa mga kababaihan.
Kindred PH
Private
Ang Kindred ay isang Healthcare provider para sa mga kababaihan. Mayroon silang Mall branch sa Serendra Mall at Vertis North. Mayroon din silang Kindred Karavan o mobile clinic pati mga discount and offers sa mga events o holiday. May iba't ibang services sila na madalas naka-ikot sa mga pangangailangan ng mga babae.


Philippine Children's Medical Center
Public
​Ang PCMC ay isag ospital na nakabase sa Quezon Avenue, para sa mga batang edad 19 years pababa, pati na rin high-risk pregnant women.
​
Tumatanggap sila ng discount galing sa PhilHealth kapag isinumite ito 48 hours pagkatapos ng admission o bago idischarge. Mayroon ding discounts para sa mga Government Employee o Person with Disability (PWD). Kinakailagan ng ospital ng kumpletong document requirements.
Mercy In Action
Sponsored Birthing Center/NGO
Ang Mercy in Action ay may layunin na makapagbigay ng LIBRENG panganganak 24/7 para sa mga nangangailangan. Mayroon din silang libreng maternity care at prenatal.
​
Sa ngayon ang sponsored clinics ng MiA ay ang Imago Dei Health & Birth Center sa Olongapo at Cumpio Midwife Clinic sa Tanauan, Leyte.


PGH Medical Foundation, Inc
NGO
Ang PGH Medical Foundation, Inc. (PGHMFI) ​ay isang ospital sa Taft na ginawa upang matulungan ang Philippine General Hospital (PGH) sa pagtulong sa mga mahihirap na nangangailangan ng serbisyong medikal.
​
Walang bayad ang pagkonsulta, tiyakin lamang na dala ang PhilHealth ID at pumunta sa branch nila sa G/F, Nurses’ Home Philippine General Hospital Compound, Taft Ave.